DOH, nakapagtala ng 1,886 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon

90

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,886 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon dahilan para umakyat sa 3,927,120 ang nationwide tally ng virus.

Ito ang ikalawang magkasunod na araw na mas mababa sa 2,000 kaso ang napa-ulat na kaso ng COVID-19.

 

Sa kabila nito, umakyat sa 27,284 ang aktibong kaso ng virus, mas mataas kumpara sa 27,257 aktibibg kaso nitong Martes.


Umakyat naman sa 3,837,179 ang bilang ng mga gumaling sa sakit matapos makapagtala ng 1,730 bagong gumaling sa COVID-19.

Nadagdagan naman ng 37 bagong nasawi sa sakit dahilan umakyat sa 62,657 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Facebook Comments