Dengue outbreak, idineklara sa dalawang barangay sa Puerto Princesa City, Palawan

Nagdeklara na rin ng dengue outbreak sa mga baranggay ng Buenavista, at Cabayugan sa Puerto Princesa City, Palawan.

 

Ayon sa City Health Office ng Palawan, umabot na sa 64 na kaso ng dengue ang naitala sa Buenavista sa nakalipas na dalawang linggo.

 

habang labing-apat naman sa Cabayugan.


 

Ayon sa Department Of Health (DOH), mahigit tatlong daan na ang kaso ng dengue na naitala sa Puerto Princesa ngayong taon.

 

Ang Palawan ang naitalang may pinakamataas na kaso ng dengue sa MIMAROPA Region.

 

Noong biyernes, nagdeklara rin ng dengue outbreak sa buong lalawigan ng Iloilo.

Facebook Comments