Ex-Senate Sergeant-at-Arms Jose Balajadia Jr., pumanaw na

Pumanaw na si dating Senate Sergeant-At-Arms Jose Balajadia Jr.

 

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, alas 2:15 kaninang madaling araw nang sumakabilang-buhay si Balajadia.

 

Hindi naman tinukoy ng senador kung anong sakit ang ikinamatay ni Balajadia pero nabatid na isa sa pinaka-ininda nito ay ang prostate.


 

Nito lang June 30 nang nagbitiw sa pwesto si Balajadia.

 

Nagpa-abot naman ng pakikiramay sa pamilya nito ang ilang senador tulad nina Senators Ralph Recto at Kiko Pangilinan.

Facebook Comments