DENGUE OUTBREAK | Kaso ng dengue fever sa Cordillera Administrative Region, tumaas

Manila, Philippines – Tumaas ang naitalang kaso ng dengue fever sa
Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa datos ng Department of Health (DOH) – CAR, 75% ang kaso ng dengue sa
unang siyam na linggo ng 2018 kumpara sa kaparehas na panahon noong
nakaraang taon.

Ayon kay DOH-CAR regional epidemiology and Surveillance Unit Nurse Geeny
Anne Austria – katumbas nito ang 582 cases, mataas sa 332 noong 2017.


Sa Kalinga ang may pinakamataas na kaso na may 178, at sinundan ng Benguet
(130), Baguio City (71), Apayao (59), Abra (43), Ifugao (16), Mountain
Province (10) at 75 sa Non-CAR provinces.

Dalawang dengue related deaths na rin ang naitala sa rehiyon ngayong taon.

Babala pa ng DOH, posibleng tumaas pa ang bilang ng kaso ng dengue kapag
tag-ulan.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments