Dengue outbreak response plan, pinabubuo ng kamara

Pinabubuo ni TINGOG Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez ang Department of Health (DOH) ng isang komprehensibong dengue outbreak response plan kasunod ng pagdedeklara ng National Dengue Epidemic.

Ayon kay Romualdez, nasa public health emergency ngayon ang bansa kaya dapat magpatupad ng integrated action mula sa national hanggang sa barangay level.

Sa Region 8 ay sinimulan na ng DOH ang paglalatag ng integrated framework ngunit ang mas kailangan aniya ay ang pangangasiwa sa clinical care, epidemiological, laboratory at vector surveillance, at risk communication sa tulong ng national government.


Dapat na maipatupad agad ang dengue outbreak response plan sa buong bansa.

Sinabi pa ni Romualdez na sa Tacloban City kung saan mataas ang kaso ng dengue ay namamahagi na sila ng dengue rapid test kits para sa early detection at agad na malapatan ng lunas ang kagat ng lamok.

Bukod pa rito, mainam din umano ang fogging operations laban sa lamok at blood-letting activities na ginagawa na ngayon sa lalawigan.

Batay sa datos, pumalo na sa 2,259 dengue cases ang naitala sa Leyte kung saan pito na ang namatay.

Facebook Comments