Dengue sa bansa, naabot na ang peak nitong Agosto – DOH

Umabot nitong Agosto ang tugatog ng kaso ng dengue sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Eric Domingo – mula sa 20,000 kaso ng dengue na naitatala kada linggo noon ay bumaba na ito sa 12,000 hanggang 13,000 cases.

Giit ni Domingo – kailangan paigtingin ang “4 o’clock habit” at dapat magpatuloy ito hanggang katapusan ng Nobyembre.


Sa ilalim ng 4 o’clock habit campaign, hinihikayat ang publiko na puksain ang mga lamok at pinamumugaran nito tuwing alas-4:00 ng hapon.

Facebook Comments