Bataan – Ipinahukay ng Public Attorney’s Office o PAO ang ilan sa mga napaulat na biktima umano ng dengue at mga may pinagsusupetsahang namatay sa epekto ng Dengvaxia vaccine sa Bagac at Mariveles, Bataan.
Bahagi ito ng isinasagawang imbestigasyon ng PAO sa mga kamakailang mga ulat ng insidente ng pagkamatay ng ilang biktima matapos mabakunahan ng Dengvaxia.
Sa bayan ng Mariveles ay na exhume ang bangkay ni John Paul Rafael, isang onse anyos na estudyante; at Christine Mae De Guzman, isa ring onse anyos na estudyante sa bayan ng Bagac.
Nahirapan umano ang forensic teams na nag imbestiga kung nagkaroon nga ng massive bleeding ang mga biktima dahil sa 2016 pa namatay ang mga ito.
Kumuha ang forensics team ng mga tissue samples ng mga nahukay na bangkay para sa karagdaganpang pagsusuri sa kanilang mga kanilang laboratory.