DENGVAXIA | Bilang ng mga namatay na nabakunahan, tumaas sa 39

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na tumaas na sa 39 ang bilang ng mga namatay na nabakunahan ng Dengvaxia.

Sa nagpapatuloy na pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability at Committee on Health, sinabi ni Duque na iniimbestigahan na ng DOH ang dahilan ng pagkamatay ng mga ito.

Pero, iginiit ni Duque na kahit nabakunahan ng Dengvaxia ay hindi pa rin maiuugnay ang pagkamatay ng mga kabataan sa bakuna.


Iniulat naman ni UP-PGH Dengue Task Force Head Dr. Juliet Aguilar, 14 na kaso na ng mga namatay na bata na nabakunahan ng Dengvaxia ang natapos na imbestigasyon.

Isinumite na umano nila sa DOH ang resulta ng kanilang imbestigasyon kung saan humingi na rin ng kopya nito ang Office of the Ombudsman.

Sinabi naman ni Duque na nagbigay din sila ng kopya nito sa DOJ para makatulong sa imbestigasyon para sa posibilidad ng pagsasampa ng kaso.

Facebook Comments