DENGVAXIA CASE | Dating Health Secretary Janet Garin, palihim na nanumpa sa kanyang kontra salaysay

Manila, Philippines – Patagong nagtungo sa DOJ kanina si dating Health Secretary Janet Garin para panumpaan ang kanyang counter affidavit

Kaugnay ito ng reklamo laban sa kanya at iba pang opisyal ng Department of Health hinggil sa Dengvaxia case

Gayunman, hindi dumalo sa pagdinig kanina si Garin at ang kanyang legal counsel na si Atty. Joseph Baguis na lamang ang pormal na nagsumite ng kanyang kontra-salaysay na pinanumpaan nito bago magsimula ang hearing


Binigyan naman ng DOJ hanggang sa November 12 ang mga magulang na tumatayong complainant para magsumite ng kanilang tugon sa kontra salaysay ni garin at ng iba pang akusado.

Facebook Comments