DENGVAXIA CONTROVERSY | 9 na kasong kriminal laban sa DOH officials, submitted for resolution na

42

Manila, Philippines – Submitted for resolution na ang unang syam na kasong kriminal na isinampa sa Department of Justice ng pamilya ng 9 na batang namatay matapos maturukan ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay DOJ Prosecutor Rex Gingoyon, mayroon silang 60 araw para resulbahin ang isang criminal complaint kung may sapat bang batayan ang reklamo para isampa sa korte o wala.

Kanina ang huling pagdinig ng DOJ sa unang batch ng mga kasong kriminal.

Kumpiyansa naman ang Public attorneys office na magiging pabor sa kanila ang desisyon ng DOJ.

Facebook Comments