DENGVAXIA CONTROVERSY | Dating Pangulong Noynoy Aquino at ilang dating gabinete nito, posibleng mauwi sa plunder ang irerekomedang kaso ng Senado

Manila, Philippines – Posibleng mauwi sa plunder ang irerekomendang kaso ng Senado laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino at ilang dating miyembro ng kaniyang gabinete dahil sa pagbili ng Dengvaxia vaccine.

Ayon sa Chairman ng Senate Committee on Health Senator Jayvee Ejercito, kuwestyonable dito ang paggamit ng tatlo at kalahating bilyong pisong ipinambili ng Dengvaxia vaccine nang hindi nagpapaalam sa kongreso.

Sinabi ng senador na napag-usapan nila ito ni Senador Dick Gordon bilang chairman ng blue ribbon committee na nanguna sa imbestigasyon.


Sa Lunes, inaasahang ilalatag ni Gordon ang committee report na resulta ng pitong imbestigasyon na kanilang ginawa.

Facebook Comments