PBA | Magnolia Hotshots, wagi kontra San Miguel Beermen sa game 1 ng best of seven finals

Manila, Philippines – Tinalo ng Magnolia Hotshots ang San Miguel Beermen sa game 1 ng best of seven finals sa PBA Philippine Cup.

Nanalo ang hotshots sa score na 105-103 kung saan naging bida sa panalo si Ian Sangalang na may 29-points habang 15-points naman ang nai-ambag ni Aldrech Ramos.

Ikinatuwa ni Magnolia Coach Chito Vitolero ang naging performance ng kanilang koponan lalo na at nagawa nilang habulin at 20-points na kalamangan ng Beermen at tuluyang makuha ang panalo.


Mapapanood naman ang game 2, bukas (March 25/Sunday) alas-6:30 ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Facebook Comments