DENGVAXIA CONTROVERSY | DOJ, naglabas ng subpoena laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino

Manila, Philippines – Pinatatawag ng Department of Justice (DOJ) si dating
Pangulong Noynoy Aquino at dalawang dating miyembro nito ng gabinete.

Ito ay para sagutin ang mga isinampang reklamo ng Volunteers Against Crime
and Corruption (VACC) kaugnay ng pagkamatay ng ilang bata dahil diumano sa
Dengvaxia.

Naglabas ng subpoena ang prosecutors kay Aquino para ito ay dumalo sa
imbestigasyon sa Biyernes, March 23, ganap na alas-10:00 ng umaga.


Pinadadalo rin sina dating Health Secretary Janette Garin at dating Budget
Secretary Florencio Abad.

Inaatasan ang tatlo na magsumite ng kanilang kontra-salaysay para
pasinungalingan ang mga kasong multiple homicide and physical injuries at
malversation of public funds.

Bukod sa tatlo, sakop din ng subpoena ang mga opisyal ng Zuellig Pharma at
Sanofi Pasteur.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments