Manila, Philippines – Kinalma ng ilang eksperto ang publiko hinggil sa epekto ng Dengvaxia vaccine.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Dr. Mary Ann Lansan, infectious diseases expert ng UP Manila, walang dahilan para magpanic ang publiko hinggil rito.
Tiniyak naman ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta na dadalo sila ni Director for Forensic Dr. Erwin Erfe sa sususnod na pagdinig ng Senado hinggil sa Dengvaxia controversy.
Ito ay matapos silang ipa-subpoena ni Senator JV Ejercito kasunod ng hindi pagdalo sa mga isinagawang pagdinig.
Sinabi naman ni Blue Ribbon Chair Senator Richard Gordon, hindi dapat matakot ang dalawang opisyal at tiniyak na walang gulong magaganap sa pagtugon ng komite sa isyu.
Facebook Comments