TAAS SAHOD | Hirit na umento sa sahod ng mga guro, pagbibigyan ni Pangulong Duterte sa 2020

Manila, Philippines – Pagbibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit ng mga guro na umento sa sahod pero ito ay sa taong 2020.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque – hinahanapan pa kasi ng gobyerno ng pondo ang ibibigay na dagdag sahod sa mga guro.

Hindi lang kasi aniya ang mga guro ang bibigyan ng umento kundi ang lahat ng mga manggagawa sa gobyerno.


Makakatikim pa rin naman ng umento sa sahod ang mga guro ngayong taon dahil sa umiiral na Salary Standardization Law.

Facebook Comments