DENGVAXIA | Dating Health Sec. Garin, naghain ng panibagong kaso laban kay ex-Sec. Ubial

147

Manila, Philippines – Dahil pa rin sa isyu ng Dengvaxia vaccine, muling naghain ng panibagong reklamo sa DOJ si Dating Health Secretary Janet Garin laban kay dating DOH Sec. Paulyn Ubial.

Nais ni Garin na managot si Ubial sa kasong rekcless imprudence resulting in homicide na paglabag sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code (RPC).

Sinisisi ni Garin si Ubial sa pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia dahil daw sa pagpapatupad nito Ng “Community-Based Dengue Immunization Program.”

Ayon kay Garin ,ang mga insidente ng pagkamatay ng mga Dengvaxia vaccinee ay nagsimula sa panahon ng panunungkulan ni Ubial sa DOH.

Una nang naghain si Garin ng criminal complaints sa DOJ laban kay Ubial.

Facebook Comments