Manila, Philippines – Ipinababasura ni dating Health Secretary Janette Garin ang umano ay malisyoso at walang basehan na kaso laban sa kanya kaugnay ng Dengvaxia.
Sa kanyang isinumiteng counter-affidavit sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ), iginiit ni Garin na dapat ibasura ang kaso laban sa kanya at iba pang dating opisyal dahil sa kawalan ng probable cause at hindi sapat na ebidensya.
Ayon pa kay Garin, taliwas sa rekomendasyon ng Public Attorney’s Office (PAO), ipinatupad ang dengue vaccine program matapos ang masusing pag-aaral at kahandaan ng administrasyong Aquino.
Ang paggamit aniya sa Dengvaxia ay suportado ng pagsusuri ng lokal at international institutions.
Facebook Comments