KAKAIBA | Nang dahil sa pagligo sa pool, dalagang virgin nabuntis ng lumulutang na semilya ayon sa doktor

Pagadian – Matapos pahintulutan ng kanyang doktor ay nakalabas na rin sa ospital ang 22-anyos na dalaga na nabalitang nanganak na birhen.

Pinagkakaguluhan pa ng mga tao si Shiela Joy Akin at ang anak nitong babae matapos mag-magtrending sa social media, sa pamamagitan ng official facebook page ng RMN-DXPR Pagadian.

Marami sa kanila ang kumukuha ng larawan habang ini-interview ito ng RMN news team samantalang ang iba naman ay nakikipag-selfie matapos nilang makumpirma na siya ang babaeng kasalukuyang nag-trending dahil sa kanyang pagbubuntis at panganganak na birhen.


Masayang umuwi si Joy habang karga ang kanyang anak na si baby Sittie Hannah.

Sa panayam ng RMN, sinabi niya na handa niyang tanggapin ang posibleng pangungutya ng mga tao at nagpapasalamat umano siya sa kanyang pamilya dahil kanilang suporta at pagtanggap sa kanya.

Aniya, normal umano ang kalagayan ng kanyang anak subalit kailangan lamang niya ng pambili ng gatas sapagkat walang gatas ang kanyang suso.

Samantala, tumanggi naman na magbigay ng komento ang doktor na nagpa-anak kay Joy.

Facebook Comments