DENGVAXIA | Dating Health Secretary Garin, nag-sorry sa mga magulang ng mga batang nabakunahan

Manila Philippines – Humingi ng paumanhin si dating Health Secretary Janette Garin sa mga magulang ng mga batang nabakunahan ng dengvaxia dahil sa pangambang idinulot ng kontrobersiya nito.

Ito ay matapos ilabas sa senate hearing ang mga sulat ng mga galit na magulang ng mga batang nabakunahan ng dengvaxia.

Dagdag pa ni Garin, handa niyang sagutin ang mga kasong mass murder at plunder na isinampa ni dating TESDA Head Agosto Sihukol laban sa kanila ni dating Pangulong Noynoy Aquino.


Kasabay nito, pabor naman ang ilang magulang sa pagsusuot ng baller ID ng mga batang nagpabakuna pero hindi pa raw ito sapat.

Facebook Comments