DENGVAXIA | Dating Health Secretary Garin, nanindigang malinis ang kanyang konsensya; Mga isinampang kaso laban sa kanya, handang harapin

Manila, Philipines – Handa si dating Health Secretary Janette Garin na harapin ang mga kasong isinampa laban sa kaniya kaugnay sa Dengue Vaccination Program ng Department of Health sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

Kasong graft, mass murder, plunder at paglabag sa election laws ang kinakaharap ni Garin bunsod ng ikinasang immunization program gamit ang Dengvaxia Vaccine ng Sanofi Pasteur.

Ayon kay Garin, handa siyang harapin ang lahat ng kaso dahil malinis ang kaniyang kunsensya at ang tanging layunin sa pagpapatupad ng programa ay ang mailigtas ang buhay ng mga tinatamaan ng sakit na dengue.


Si Garin ay dumalo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado hinggil sa kontrobersiya sa Dengvaxia Vaccine.

Facebook Comments