DENGVAXIA | DOH, tiniyak na hahabulin ang buong refund para sa ibinayad sa bakuna

Manila, Philipines – Tiniyak ng Department of Health (DOH) na hahabulin nila sa korte para mai-refund din ng Sanofi Pasteur ang mga nagamit na Dengvaxia Vaccine.

Sa interview ng RMN kay Health Secretary Francisco Duque – kinukonsulta na nila ang mga abugado para sa hakbang na kanilang gagawin.

Ayon kay Duque – isa sa mga magiging batayan nila sa korte ang ginawang relabelling ng Sanofi sa Dengvaxia.


Kung maalala ay una nang pumayag ang Sanofi sa refund na mahigit P1 bilyon para sa mga Dengvaxia na hindi pa nagamit pero tumanggi sa refund sa mga dosages ng Dengvaxia na nagamit dahil isa aniya itong pag-amin na hindi epektibo ang bakuna.

Facebook Comments