Manila, Philippines – Nagsampa na ng kaso ang Public Attorney’s Office (PAO) at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) laban sa mga isinasangkot sa Dengvaxia controversy.
Kasong sibil ang inihain ng PAO laban kina dating Health Sec. Janette Garin, Board of Directors ng Sanofi Pasteur at ang distributor na Zuellig Pharma.
Giit naman ni PAO Chief Persida Acosta, may mga susunod pa silang isasampang kaso laban sa naturang mga opisyal.
Kasong grave misconduct at gross negligence ang inihain ng VACC laban sa 13 opisyal ng DOH.
Giit ng VACC, kaduda-duda ang pag-apruba sa nasabing malawakang vaccination project na inabot lang ng higit apat na buwan bago maaprubahan.
Matapos sumugod kahapon ang mga magulang na may mga anak na nabakunahan ng Dengvaxia sinabi ni Garin na nakahanda siyang harapin ang mga reklamo dahil malinis ang kaniyang konsensya.