DENGVAXIA ISSUE | Dating Pangulong Noynoy Aquino at former Health Secretary Janette Garin, sinampahan ng kaso

Manila, Philippines – Sinampahan ng patung-patong na kaso sa Ombudsman sina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at dating Health Sec. Janette garin dahil sa Dengvaxia issue.

Inihain ni dating TESDA head Augusto “Buboy” Syjuco ang mass murder, dahil marami na raw ang mga namatay dahil sa bakunang ginamit ng nakalipas na administrasyon.

Inakusahan din nito ng plunder sina Aquino at Garin dahil sa ginastos na P3.5 billion para sa dengue vaccine.


Pero, aminado si Syjuco na wala siyang hawak na ebidensya sa ngayon kundi ang mga newspaper clips na kaniyang nabasa.

Tiwala daw siyang iimbestigahan lalo’t malaking isyu ito na hindi dapat isantabi kung saan masusubukan din kung patas sa paghawak ng kaso si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na isang Aquino appointee.

Facebook Comments