DENGVAXIA ISSUE | DOH Secretary Francisco Duque III, pinagbibitiw ni Public Attorney’s Office Medico-Legal Consultant, Dr. Erwin Erfe

Manila, Philippines – Muling pinanawagan ng Public Attorney’s Office (PAO) ang pagbibitiw ni Department of Health Secretary Francisco Duque III dahil sa kabiguan nitong maipatupad ang transparency sa Dengvaxia cases sa bansa.

Ayon kay PAO Medico-Legal Consultant, Dr. Erwin Erfe, hindi siya sang-ayon sa pag-iisyu ng DOH ng administrative order na nag-uutos ng pagsasagawa ng kagawaran ng awtopsiya sa mga posibleng Dengvaxia related deaths.

Ani Erfe, mas lalo lamang ito na magpapabigat sa pag-access sa mga dokumento na may kaugnayan sa Dengvaxia.


Iginiit ni Erfe, ang kanilang awtopsiya sa 40 bata at isang pulis ay nakitaan ng pattern ng pagkamatay matapos mabakunahan ng nasabing anti-dengue vaccine.

Sa halip na autopsy teams, apela ni Erfe kay Duque ay bumuo na lamang ng medical experts team na gagamot sa mga biktima ng dengue na nakatanggap ng Dengvaxia.

Facebook Comments