Manila, Philippines – Kinalampag ng grupong Coalition for People’s Right to Health ang tanggapan ng Department of Health (DOH) upang ipanawagan na huwag balewalain ang mga nabiktima ng Dengvaxia vaccine.
Ayon kay Co-Convenor ng Coalition for People’s Right to Health Dr. Julie Caguiat , naaalarama na sila sa naging pahayag ng DOH na umaabot na sa 62 mga bata ang nasawi matapos na maturukan ng Dengvaxia.
Paliwanag ni Caguiat ang naging pahayag ng DOH ay sapat na aniya upang kumbinsihin ang Duterte Administration na bigyang prayoridad ang naturang sitwasyon sa pamamagitan ng pagbalangkas ng mga plano para matugunan ang problema ng mga batang naturukan ng Dengvaxia at pondohan at bigyan ng immunization cards ang lahat ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.
Giit ni Caguiat dapat managot ang Sanofi Pasteur at lahat ng mga opisyal ng nakaraang Administration na responsable ng pagkamatay ng maraming mga batang naturukan ng Dengvaxia.