Lalaking Nagnakaw ng Mansanas at Sigarilyo, Nahuli!

50

Tuguegarao City, Cagayan – Nahuli ang isang lalaki matapos magnakaw ng mansanas at sigarilyo sa pwesto ng isang tindera sa Barangay Tanza, Tuguegarao City kamakailan.

Ang biktima na may-ari ng pwesto ay si Mary Jane Ostera, bente syete anyos, may asawa, tindera at residente ng Barangay Annafunan West Tuguegarao City, samantalang kinilala naman ang suspek na si Jessy Burgos, bente kwatro anyos at residnte ng Bagunot, Baggao, Cagayan.


Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan, isang ginang umano ang nakakita kay Burgos na nagnanakaw ng paninda ni Ostera na agad namang nagsumbong sa may-ari ng pwesto.

Samantala, agad umanong tumawag si Ostera sa himpilan ng kapulisan at kaagad na nagresponde kung saan nadatnan pa ang suspek na aktong nagnanakaw.

Hinuli at dinala sa PNP Tuguegarao si Jessy Burgos kung saan nakuha sa pag-iingat ang tatlong klase ng sigarilyo at labing limang piraso ng mansanas.

Facebook Comments