Manila, Philippines – Kinukwestyon ngayon ni Health Secretary Francisco Duque III, kung bakit hindi isinama ng Public Attorney’s Office (PAO) ang pangalan ni dating Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, sa listahan ng mga sinampahan nila ng kaso kaugnay sa Dengvaxia issue.
Ayon kay Secretary Duque, walang consistency ang PAO, dahil equally liable rin naman si Ubial, dahil isa rin siya sa mga nagpatuloy ng Dengue Immunization Program.
Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na handa niyang sagutin ang mga reklamong inihain laban sa kaniya, at mananatiling priority ng DOH ang pagasiste sa mga batang nabakunahan ng Dengvaxia vaccine.
Facebook Comments