DENGVAXIA ISSUE | PAO, gagamitin ang resulta ng Senate Investigation para palakasin ang mga isasampang kaso

Manila, Philippines – Gagamitin ng Public Attorney’s Office (PAO) ang draft report ng Senate Blue Ribbon Committee para patibayin ang kasong isinampa ng mga pamilya ng mga batang naturukan ng Dengvaxia Vaccine.

Sa isang opisyal na statement, sinabi ni PAO Chief Persida Acosta na ang findings ng Komite ni Senador Richard Gordon ay nagpapatunay na consistent ito sa paninindigan ng PAO sa isyu ng Dengvaxia.

Magugunita na una nang naghain ng magkakahiwalay na kaso sa lower court at Department of Justice (DOJ) ang PAO bilang abogado ng ilan sa pamilya ng mga bata na umano’y namatay dahil sa bakunang Dengvaxia.


Batay sa Gordon report, may pananagutang kriminal si dating Presidente Benigno Aquino III at ang kaniyang mga dating miyembro ng Gabinete na nagpatupad sa Dengvaxia mass vaccination.

Kabilang sa mga pinakakasuhan ay sina Budget Secretary Florencio Abad at dating Health Secretary Janette Garin.

Mariing binanggit sa draft report na ang malaking kasalanan ni Aquino ay inilagay niya sa panganib ang buhay ng mga batang pinaturukan niya ng Dengvaxia.

Facebook Comments