DENGVAXIA ISSUE | Resulta ng imbestigasyon ng UP expert at DOH tungkol sa mga nasawi dahil umano sa naturukan ng Dengvaxia, ilalabas na ngayon araw

Manila, Philippines – Inihayag ni DOH Secretary Francisco Duque III na ilalabas na ngayong araw ang resulta ng imbestigasyon ng Kagawaran at ng UP-PGH expert kaugnay sa mga naitalang nasawi dahil umano sa naturukan ng Dengvaxia.

Ayon kay Duque mayroong sariling imbestigasyon ang Kagawaran bukod sa imbestigasyon ng UP-PGH expert upang matukoy kung may batayan ang resulta ng pagsusuri ng PAO Forensic na ang sanhi ng kamatayan ng mga batang naturukan ay dahil sa Dengvaxia.

Una rito mariing inihayag ng mga Forensic Expert ng PAO na pare-pareho ang sintomas ng mga batang nasawi dahil sa naturukan ng Dengvaxia.


Paliwanag naman ni Duque dapat huwag mangamba ang publiko sa mga mga programa ng DOH tungkol sa immunization program dahil kailangan talagang mabakunahan ang mga bata ng BCG,DPT, Anti-Pollo dahil panlaban umano ito upang hindi magkasakit ang mga bata.

Matatandaan na nagkaroon ng pangamba ang magulang ng mga bata dahil sa napaulat na marami ang nasawi dahil sa naturukan ng Dengvaxia.

Facebook Comments