DENGVAXIA | Kahilingang makasuhan ang 2 doktor ng Children’s Hospital, pag-aaralan na

Manila, Philippines – Pag-aaralan ng DOJ Panel of Prosecutors kung tatanggapin ang mosyon ng Public Attorney’s Office (PAO) na isama sa 2nd batch ng mga nasampahan ng kasong kriminal ang mga doktor ng Philippine Children’s Medical Center.

Kaugnay ito ng Dengvaxia case controversy, partikular na pinakakasuhan ng PAO sina Dr. Sonia Gonzales at Dr. Raymundo Lo.

Kahapon, isinumite ng Public Attorney’s Office (PAO) ang motion to implead na naglalayong isama sa mga isinasakdal sina Dr. Lo at Dr. Gonzales.


Nakasaad sa reklamo ng PAO na sina Dr. Lo at Dr. Gonzales ang signatories sa purchase request noong January 2016 para sa pagbili ng mahigit tatlong bilyong pisong halaga ng Dengvaxia vaccine.

Inilakip bilang ebidensya sa DOJ ang purchase request ng nasabing pagamutan.

Facebook Comments