DENGVAXIA | Kampo ni Atty. Manuelito Luna, tiwalang mabibigyan ng hustisya ang mga nabakunahan

Manila, Philippines – Naniniwala si Atty. Manuelito Luna na mabibigyan ng hustisya ang mga nabiktima at nasawi matapos maturukan ng Dengvaxia vaccine. Ayon kay Atty. Luna mayroon silang mga sapat at matibay na ebidensiya na nagpapatunay na lumabag sa Election Code si dating Pangulong Noynoy Aquino III kabilang ang pagsusuot ng kulay na dilaw na T-shirt noong April 2, 2016 na Campaign period kung saan pasok sa 45 days na mahigpit na ipinagbabawal ng COMELEC. Paliwanag ni Atty. Luna na binibigyan sila ng sampung araw para sagutin ang Counter Affidavit na inihain ni Aquino sa Legal Department ng COMELEC pagkatapos ay magsasampa naman ng rejoinder ang kampo ni Aquino pagkatapos nito ay magdedesisyon ang COMELEC kung mayroong Clarificatory hearing saka magdesisyon kung kakatigan ang inihaing Counter Affidavit ng dating pangulo.

Facebook Comments