DENGVAXIA | Libreng konsultasyon para sa mga nabakunahan, inihirit

Manila, Philippines – Humiling ngayon ang grupong Gabriela sa Korte Suprema na obligahin ang Department of Health (DOH) at iba pang ahensya ng gobyerno na bigyan ng libreng konsultasyon at serbisyong medical ang mga nabakunahan ng anti-dengue vaccine na dengvaxia.

Ito ang nakapaloob sa petition for mandamus ng grupo, kasama ang may 70 mga magulang ng batang nabakunahan sa ilalim ng DOH, immunization program.

Ilan naman sa respondents sa petisyon ay sina DOH Secretary Francisco Duque III, DepEd Secretary Leonor Briones, DILG OIC Catalino Cuy, Dr. Lyndon Lee Suy at Food and Drug Administration (FDA) Director General Nela Charade Puno.


Nais ng Gabriela na matiyak na hindi matitigil ang pagbibigay ng kinakailangang serbisyo sa mga biktima ng dengvaxia kahit magpalit ng liderato ang DOH o magpalit ng administrasyon upang mapanatag ang kalooban ng mga magulang ng bata na naturukan ng dengvaxia.

Facebook Comments