DENGVAXIA | P1.161 billion supplemental budget na ibinalik ng sanofi pasteur, aprubado na

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng House Committee on Appropriations ang P1.161 Billion supplemental budget mula sa ibinalik ng Sanofi Pasteur para sa mga nabakunahan ng Dengvaxia.

Sa revised na breakdown ng DOH, inaalis na ng DOH ang P200 Million fund para sa medical kits na naglalaman lamang ng thermometer, 1 bote ng mosquito repellant, 2 bote ng multivitamins at bag.

Mababatid na inalmahan ito ng mga miyembro ng House Committee on Appropriations dahil hindi naman ito ang talagang kailangan ng mga naturukan ng Dengvaxia.


Tinaasan naman ang P947.8 Million ang alokasyon para sa medical assistance mula sa dating P87 Million na ibibigay naman para sa pangangailangan ng mga addmitted at outpatients na Dengvaxia vaccinees.
Nasa P148.2 Million naman ang alokasyon sa public health management kung saan nakapaloob ang assessment and monitoring ng Dengvaxia vaccinees at para sa supplies and medicines.

67.5 million naman ang para sa human resource deployment para sa 1,250 nurses na iha-hire para sa pagsasagawa ng monitoring at profiling sa mga vaccinees.

Para mapakinabangan ang supplemental budget, ang bawat berepikadong dengvaxia vaccinees ay bibigyan ng card na ipipresenta sa ospital kapag nangailangan sila ng tulong medikal.

Facebook Comments