DENGVAXIA | Pag-refund ng Sanofi Pasteur, hindi pa sapat – Malacañang

Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang naging hakbang ng Sanofi Pasteur na ibalik ang bahagi ng pera na ipinambili ng gobyerno para sa Dengvaxia at kunin ang mga natitira pang vaccines na hindi na magagamit.

Ibabalik kasi ng Sanofi ang 1.4 billion pesos na ibinayad ng pamahalaan para sa vaccine pero hindi ito buong halaga.

Nabatid na 3.5 billion pesos ang kabuuang ibinayad ng pamahalaan para sa kontrobersyal na vaccine.


Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, isang magandang hakbang ang ginawa ng Sanofi pero hindi aniya ito sapat.

Paliwanag ni Roque, ang posisyon ng Department of Health (DOH) ay full refund o ibalik ng Sanofi ang buong 3.5 billion pesos.

Pero ang hakbang aniya na ito ng Sanofi ay nasa tamang direksyon.

Tiniyak din naman ni Roque na ang refund ng Sanofi ay hindi maka-aapekto sa imbestigasyon ng pamahalaan para malaman kung mayroon bang criminal liability ang Sanofi.

Facebook Comments