DENGVAXIA | Panibagong 10 kasong kriminal, isinampa sa DOJ

Manila, Philippines – Sampung kaso ng reckless imprudence resulting in multiple homicide, paglabag sa anti-torture act at consumer protection act ang isinampa ng kaanak ng mga batang namatay sa Dengvaxia vaccine.

Ito ang pangatlong batch ng mga kasong isinampa ng PAO at kamag-anak ng mga nasawi matapos mabakunahan ng Dengvaxia.

Umaabot na ngayon sa 27 ang mga reklamong naisampa ng PAO sa DOJ at posibleng madagdagan pa ito.


Ang mga respondents sa kaso ay mga dati at kasalukuyang opisyal ng dept of health gayundin ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma.

Facebook Comments