Manila, Philippines – Nanindigan ang Public Attorney’s Office na sa Department of Justice lamang sila makikipagtulungan kaugnay ng imbestigasyon sa mga namatay na mga bata na umano’y naturukan ng Dengvaxia vaccine.
Sa pagdinig ng House Committee on Health at Good Government and Public Accountability, nilinaw ni PAO Chief Persida Acosta na hindi sila nakikipag-ugnayan sa up-pgh team dahil sa conflict of interest at isyu sa client lawyer relationship.
Hindi rin aniya nakipag-ugnayan ang PAO sa UP-pathologist na si Dr. Maria Cecilia lim dahil napag-alaman nila na professional partner siya ni Dr. Raquel Fortun na siya naman kinuhang consultant ng defense lawyer ng Sanofi Pasteur.
Iginiit din ng pao na isang lehitimong doktor at may mga natanggap nang parangal si PAO forensic expert Dr. Erwin Erfe.
Sa ngayon ay umabot na sa 26 na mga batang nasawi ang naimbestigahan ng pao kung saan 18 rito ay kumpirmadong namatay dahil sa Dengvaxia.
<#m_1276176741308048167_m_-34583651181016885_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>