Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) ang mga dahilan kung bakit dumarami ang kaso ng tigdas sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Base sa pag-aaral ng WHO noong October 2018 sa mga piling lugar sa Metro Manila na ang dahilan kung bakit ayaw magpabakuna ang mga bata ay dahil sa takot sa Dengvaxia at kawalan ng panahon ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak sa centers.
Lumalabas sa resulta ng pag-aaral ng vaccine confidence project noong taong 2015 laban sa taong 2018 sa pamamagitan ng London School of Hygiene and Tropical Medicine sa pananaw ng mga tinatanong na ang pagbabakuna ay mahalaga bumaba ito mula sa 93 percent nagiging 32 percent nalamang sa sinasabing ligtas at epektibo naman ang pagbabakuna mula 82 percent bumaba ng 21 percent habang ang sinasabing tiwala sila sa pagbabakuna ay bumaba mula sa 93 percent nagiging 32 percent na lamang.
Nagsagawa ang DOH ng tinatawag na outbreak immunization responses sa maraming rehiyon at sinundan naman ito ng nationwide supplemental immunization activity para sa 6 to 59 months old na ginagawa sa pamamagitan ng 2 phases noong April 2018 sa NCR at Mindanao at noong September 2018 sa ibang bahagi ng Luzon at Visayas.
Umapela naman sa publiko si DOH Secretary Francisco Duque III na muling ibalik ang tiwala sa pagbabakuna na matagal ng napatunayan na subok na ito upang maproteksyunan ang mga bata ng iba’t-ibang klaseng sakit.