DENGVAXIA | Supplemental budget para sa mga nabakunahan ng Dengvaxia, tinatalakay na sa Kamara

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng House Committee on Appropriations na gamitin na supplemental budget ang 1.6 Billion na isinauli ng Sanofi Pasteur para sa mga hindi nagamit na Dengvaxia vaccine.

Inilatag sa briefing sa Kamara ng Department of Health sa pangunguna ni Health Sec. Francisco Duque ang mga programa at plano na pag-gugugulan sa pondong ito.

Mahigit sa 1.197 billion pesos ang nakalaan sa programa at plano na kukuhain sa salaping isinauli ng Sanofi.


Kabilang sa popondohan nito ang medical assistance program for dengvaxia patients – P84 million, outpatient care package -P776.250 million, deployment of nurse, health education and promotion officers -P67.807, proposed active case finding o profiling -P300 million at medical kits na may P270 million fund.

Pero, umaalma naman ang samahan ng magulang na may mga anak na naturukan ng Dengvaxia na hindi nila kailangan ng medical kit kundi malinaw na tulong para sa pagpapaospital ng mga anak na nagkakasakit matapos mabakunahan ng Dengvaxia.

Ang laman kasi ng medical kit ay isang bag, thermometer, 1 mosquito repellant, at 2 bote ng multivitamins.

Facebook Comments