Dengvaxia vaccine, matagal nang napatunayang ligtas at mabisa, di na kailangang pag-aralan muli – Rep. Garin

Hindi na kailangang pag-aralan pang muli ang paggamit ng Dengvaxia vaccine sa gitna ng tumataas na kaso ng dengue sa bansa.

Giit ni dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo 1st District Representative Janette Garin, matagal nang napatunayang mabisa at ligtas ang mga bakuna.

Sa mga datos mula sa apat na mga bansang unang gumagamit ng Dengvaxia vaccine, makikita aniya na hindi na umaabot ng lima ang bilang ng namamatay dahil sa dengue kumpara sa libo-libong naitatala noong wala pa ang bakuna.


“Tayo, naiwan tayo na dasal na lang ang panlaban natin, ‘yung ibang mga bansa they have been quite successful. So, kung tatanungin natin, meron pa bang hinihintay at meron pa bang dapat pag-aralan? Sa totoo lang, wala e. Kasi ang safety at efficacy has been proven long time ago” paliwanag ni Garin.

“So ang nangyari sa Dengvaxia, nakitaan ng safety, efficacy kung saan meron pa ring mahahawa, mga 30% ang matatamaan, [pero] walang mamamatay, 93% reduction in severity, 80% reduction in hospitalization,” giit pa ng mambabatas.

Nilinaw rin ni Garin na hindi naman binawi ng Department of Health (DOH) ang lisensya ng Dengvaxia vaccine dahil sa safety issues kundi dahil sa public pressure.

“Pero ang pressure kasi, kung titingnan mo, galing din sa mga ‘anti-vaxxers’ eh… at malamang, itong ibang pressure na ito, eto rin yung kumukuyog sa loob ng DOH, ‘o i-delay niyo, i-delay niyo yung bakuna,” dagdag niya.

“ito sa Dengvaxia, nung nagkaroon ng scare sa Pilipinas, the 23 countries using the vaccines, walang nag-pullout, walang huminto. And even WHO didn’t mind us. Parang ‘bahala muna kayo dyan kung nagkakagulo kayo, that’s your own problema, basta dito tuloy-tuloy kami.’ Ibig sabihin, even duda walang basehan.”

Kasalukuyang ginagamit ang Dengvaxia vaccine sa 23 mga bansa sa buong mundo kabilang ang Amerika at Singapore.

Facebook Comments