Yogi Filemon Ruiz, itinalaga ni PBBM bilang acting commissioner ng BOC

174

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Yogi Filemon Ruiz bilang acting commissioner ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kahapon, July 20 nang manumpa sa kanyang bagong posisyon si Ruiz.

Si Ruiz ay dati nang nagsilbi bilang regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas.


Noong 2017, naging kontrobersyal siya matapos na hubaran ang mga inmate ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center ng kanyang mga tauhan na nagsagawa ng drug raid sa pasilidad.

Sa nasabing greyhound, samu’t saring iligal na droga at mga kontrabando ang nakumpiska.

Facebook Comments