Nagpa-abot na rin ang Denmark ng intensyon nito na kumuha ng Filipino nurses.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), sa Joint Declaration of Intent (JDI) ng Pilipinas at Denmark, isasailalim sa healthcare education at pagsasanay ang mga kukuning Filipino nursing professionals at healthcare assistants.
Tiniyak din ng Denmark ang proteksyon sa mga kukunin nilang Filipino healthcare workers sa Denmark.
Ito ay alinsunod sa international practices na pinaiiral ng International Organization for Migration (IOM) at ng Global Code of Practice ng World Health Organization (WHO).
Ang partnership ng Pilipinas at Denmark ay bahagi ng pagtugon sa malaking demand ng healthcare professionals sa buong mundo.
Facebook Comments