Dennis Garcia ng ‘Hotdog’, pumanaw na sa edad na 69

464
From MYX/ABS-CBN

Namatay na ang batikang singer-songwriter at founding member ng bandang “Hotdog” na si Dennis Garcia sa edad na 69.

Kinumpirma mismo ito ni Isa, bunsong anak ni Dennis, sa kaniyang Facebook account nitong Linggo ng madaling araw.


Pero hindi sinabi ng supling ang sanhi ng biglang pagpanaw ng ama.

Siya ang nakakatandang kapatid ng lead singer ng “Hotdog” na si Rene, na pumanaw noong 2018.

Nakilala ang dalawa noong dekada ’70 matapos pasikatin ang tinaguriang Manila Sound sub-genre.

Sila ang nasa likod ng mga patok na awiting “Manila”, “Annie Batongbangkal”, “Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko”, “Bongga Ka Day”, at “Beh Buti Nga”.

Noong nakaraang taon, nag-alay ng tribute si Dennis sa kuyang si Renehh at mga OPM icon na sina Pepe Smith at Rico J. Puno sa pamamagitan ng isang concert.

Nakaburol ngayon ang labi ni Dennis sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Samantala, pinasalamatan ng naulilang pamilya ang mga taong nakikiramay sa kanila.

Facebook Comments