PRO 2, Mamamahagi rin ng Sako-Sakong Bigas sa mga Biktima ng Taal!

49

Cauayan City, Isabela- Nakatakdang mamigay ng sako-sakong bigas ang Police Regional Office 2 sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.


Ayon kay Regional Director PBGen Angelito Casimiro, nasa 144 kabang bigas ang kanilang ipamimigay na tulong na kanilang nalikom mula sa mga kasapi ng hanay ng kapulisan sa lambak ng Cagayan.

Ito ay bilang pagsuporta na rin ng PRO2 sa kahilingan ni PNP Chief PLtGen Archie Gamboa sa bawat kapulisan sa bansa upang makatulong sa mga biktima ng Bulkang Taal.

Dadalhin aniya ang mga bigas direkta sa Batangas Police Provincial Office.

Dagdag rito, nakahanda rin ang pwersa ng PRO2 sakaling hihingi ng karagdagang pwersa ang Batangas.

Facebook Comments