DENR at developer sa Masungi, pinagsusumite ng mga dokumento para sa ikareresolba ng isyu sa protected area

Pinagsusumite ni Senator Alan Peter Cayetano ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang Blue Star Construction and Development Corp. (BSCDC) ng kanilang mga datos kung anong bahagi ng Masungi Georeserve ang okupado na at alin ang bakante pa.

Nagsagawa ng motu proprio hearing ang Senate Blue Ribbon Committee para latagan ng solusyon ang gusot sa pagitan ng DENR at Blue Star Construction matapos na kanselahin ng ahensya ang supplemental joint venture agreement nito sa developer para sa pagtatayo ng pabahay ng gobyerno sa loob ng protected area gayundin ng pagpapanatili ng Masungi.

Ayon kay Cayetano, masyadong kumplikado ang kasaysayan ng pagmamay-ari ngn lugar kaya pati ang mga karaniwang mamamayan na nakatira rito ay apektado na.

Magiging bahagi din ang senador ng pinabuong technical working group (TWG) na siya magrerepaso sa lahat ng kontrata, kasunduan at mga kautusan na may kinalaman sa Masungi.

Bagamat iginigiit ngn DENR na may batayan ang kanilang pagkansela ng kontrata batay sa COA findings, ipinunto naman ng blue star na wala silang natatanggap na anumang formal notice para sa kanselasyon ng kontrata at nalaman lamang nila ito sa pamamagitan ng media.

Facebook Comments