Nagkasundo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang mga katapat nito sa United Kingdom na paigtingin pa ang pagtulungang sa harap ng epekto ng climate change.
Kasunod ito ng paglagda ng Pilipinas ng “Partnership Statement” kay UK Ambassador to the Philippines Daniel Pruce sa first Climate Change and Environment Dialogue.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, na siya ring Chairperson ng Cabinet Cluster on Climate Change Adaptation, Mitigation and Disaster Risk Reduction, sa ilalim nito ay mas higit na mabibigyang pansin ang climate change concerns sa Pilipinas.
Nangako ang UK na makikipagtulungan sa Pilipinas para makatugon ito sa Paris Agreement partikular sa low carbon growth at sa isyu ng sustainability.
Ito’y sa harap na rin ng humaharap pa ang bansa sa epekto ng pandemya.
Tinukoy rito ang priority areas para sa kooperasyon kabilang na ang technical at policy assistance, market development mechanisms sa ilalim ng ASEAN Low Carbon Energy Programme.