Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nakipag-partner na sa mga Non-Government Organizations (NGOs) ang DENR-Region 4A para sa bagong programa sa rehabilitasyon ng Marikina watershed area.
Ang proyekto ay nakatuon sa pagtatanim ng mga punong kawayan.
Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan ng DENR at NGOs na magbibigay sa mga katuwang ng programa ng bamboo production technology training at good agro-forest practices.
Sakop ng programa ang 20 hektarya sa loob ng Marikina watershed na ipapamahagi sa ilalim ng Enhanced National Greening Program ng DENR.
Facebook Comments