Serbisyo ng Quezon City government, inilapit pa sa komunidad

Sinimulan na ng Quezon City government ang pag-iikot sa mga barangay at komunidad upang lalong mailapit sa mga residente ang mga serbisyo ng pamahalaan.

Kahapon, bumaba sa Barangay Blue Ridge B ang QC District 3 Action Office upang maibigay ang mga serbisyo tulad ng QCitizen ID, PWD, Senior Citizen, at Solo Parent ID registration, pagbabayad ng Real Property Tax at iba pa.

Tiniyak ni Mayor Joy Belmonte na magiging maayos at mabilis ang proseso ng bawat serbisyo na ipagkakaloob sa komunidad.


Paliwanag ng alkalde na asahan pa raw na magkakaroon pa ng schedule ng caravan sa iba pang barangay sa lungsod para magbigay ng serbisyo.

Facebook Comments