DENR, bubuksan muli sa publiko ang Dolomite Beach sa June 12

Inanunsyo ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) acting Secretary Jim Sampulna na muling bubuksan sa publiko sa June 12 ang Manila Bay Dolomite Beach kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day.

Ayon kay Sampulna, ngayong buwan ng Mayo sana ito bubuksan pero iniurong dahil may mga imprastraktura pang kailangang tapusin sa lugar.

Nilinaw naman ni Manila Bay Coordinating Office Executive Director Jacob Meimban kabilang lamang sa papayagang aktibidad ay ang pagpasyal, paglalakad at panonood ng sunset.


Hindi pa kasama rito ang paglalangoy sa kadahilanang ang water quality ay wala pa sa 100 most probable number per 100 milliliters (MPN/100mL) na standard fecal coliform level.

Nasa 1,500 hanggang 3,500 katao sa kahabaan ng 500-meter Dolomite Beach ang papayagan upang matiyak na masusunod ang minimum health protocols.

Bagama’t hindi na kailangan ang online pre-registration sa ilalim ng Alert Level 1, hinihikayat naman ang mga pupunta sa Dolomite Beach na maging fully vaccinated.

Ayon naman kay DENR Undersecretary for Policy, Planning, and International Affairs Jonas Leones, matatag at tiyak na magtatagal ang inilagay 500-meter beach nourishment project, na sinimulan noong 2020.

Sa kabila kasi ng mga sa gitna ng mga sa ulan, bagyo at baha, nanatili itong stable.

Facebook Comments