Drug den sa Baguio City, sinalakay ng PDEA, 5 ang naaresto

65

Limang drug personality ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa ginawang pagsalakay sa isang drug den sa Baguio City.

Sa bisa ng search warrant, pinasok ng raiding team ang isang apartment sa Upper Pinget at nahuli ang mga target na personalidad.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva na kabilang sa mga naaresto ay sina Manuel Doro at Christian Sevillano at tatlo pang babae.


Nahuli sila sa akto na nagpa pot session sa loob ng apartment.

Narekober din sa loob ng apartment ang 10 sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments