Mahigpit na imomonitor ni Environment Secretary Roy Cimatu ang pagpapatupad ng Environmental Compliance Certificate ng proyektong Kaliwa Dam.
Sinabihan ni Cimatu ang project proponent na Metropolitan Waterworks and Sewerage System na tiyaking masusunod nito ang mga kondisyon na nakapaloob sa ECC.
Binigyan ng Environmental Management Bureau o EMB ng ECC ang Kaliwa Dam project matapos na makumpleto ang lahat ng hinihinging requirements sa ilalim ng Environmental Impact Statement.
Nagbabala ang DENR Secretary na kakanselahin nila ang ECC sa sandaling nagkaroon ng seryosong paglabag sa ECC.
Kabilang sa mga kondisyon sa ECC ay ang paglalagay ng tinatawag na Gravity Dam sa Kaliwa River na na dumadaloy sa Teresa at Tanay sa Rizal at General Nakar sa Infanta Quezon.
Ang Kaliwa Dam ay magsisilbing dagdag na mapagkukunan ng suplay ng tubig maliban sa Angat Dam kung saang galing ang
96 percent ng local water consumption ng Metro Manila.